Masakit sa puso ng isang magsasaka ang halos presyong hingi na lamang ang kanyang inani. Sa lalawigan ng Bukidnon sa lungsod ng Malaybalay, ipinamimigay na lang ng magsasakang si Rechel Namit Garcia ang kanilang inaning kalabasa dahil sa halos hingiin na lang ang presyuhan ng mga mamimili nito.

tatlong piso per kilo na lamang ang bili sa kanila ng mga buyer at sa ganitong halaga, lugi umano sila at hindi makakabawi sa kanilang gastos kung kayat nagpost na lamang ito na ipinamimigay na lamang niya ang mga kalabasa na nakatambak sa gilid ng daan.

Photo credits to the rightful owner.