Himas sa malamig na rehas ang inabot ng dalawang bigtime drug peddlers matapos itong kumagat sa pain ng PDEA-BARMM at ng mga katuwang nito sa PNP, PCG, NICA at AFP sa bahagi ng Barangay Bus-bus, Jolo sa Sulu kahapon ng 2:15 ng hapon, Setyembre 22.

Kinilala ng PDEA-BARMM sa pamamagitan ni Regional Director Gil Castro ang mga suspek sa mga alyas nito na si Ban, 31 anyos at maguuma, Tas, 48 na isang driver na parehas nakatira sa Bongao, Tawi-tawi at kasama nitong CAFGU na si Yahiya Mhin, 44 at residente ng Patikul, Sulu

Nakumpiska sa tatlong durugista ang aabot sa 75 na gramo ng shabu na may halagang aabot sa Php 510,000.00

Nakasamsam din ang otoridad ng isang kalibre 45 na pistol, apat na bala nito, magasin, cellphone, motorsiklo at buy bust money na ginamit sa operasyon laban sa kanila

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA BARMM ang mga durugista at mahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 ng Batas Republika bilang 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.