Inaasahan na ng komisyon sa halalan o Commission on Elections na aabot sa kalahating milyon (500,000) ang mga kandidatong lalahok sa 2025 National, Local and BARMM Parliamentary Elections.
Ito ay para sa 18,271 na pwesto sa buong kapuluan. Sa darating na halalan, boboto ang mga mamamayan ng 12 na senador, 63 na partylist representatives, 254 naman ang para sa mga kongresista ng distrito para sa lebel ng nasyonal.
Para naman sa lokal, 82 na gobernador at bise gobernador, 792 naman sa mga Provincial Board Members o Bokal, 149 para sa alkalde ng siyudad maging ang bise alkalde nito at 1,682 na konsehales ng siyudad.
Para naman sa lebel ng bayan- bayan, mayroong 1493 na pwesto para sa pagkaalkalde at bise at 11,948 naman para sa mga konsehal ng bayan. At sa kaunaunahang parliamentary elections ng BARMM, 80 Parliamentary Seats kabilang na ang 40 para sa representante ng partido, 32 sa distrito at 8 naman para sa sektoral.
Magaganap ang pagfifile ng Certificate of Candidacies with Certificate of Nomination And Acceptance sa darating na Oktubre 1-8, 2024.