Nagdulot ng pangamba at takot maging pagkagulat sa mga residente sa isang liblib na baryo sa bayan ng Tukuran, Zamboanga del Sur matapos na makatagpo ito ng kalansay ng tao na ikinalat at ang iba ay tinangay pa ng mga asong gala nitong nakaraang Miyerkules.

Malaki naman ang paniniwala ng mga imbestigador ng Tukuran PNP maging ng mga opisyales ng barangay na pinatay na lamang kung saan at itinapon sa naturang lugar ang bangkay ng kawawang biktima at doon na inabutan ng pagkaagnas.

May mga indikasyon na galing sa lalaki ang naturang mga buto at kalansay. Maagap namang tinipon ng mga opisyales ang mga buto upang mailigpit at mailibing ng maayos upang di ito pagpiestahan ng mga asong gala sa lugar at upang matahimik na rin ang kaluluwa ng naturang indibidwal.