Hindi na umabot pa sa pagamutan na buhay ang kalihim ng MILF Ligawasan Provincial Committee at UBJP at hepe ng BLTO sa mga bayan ng Pikit at Ligawasan na kinilalang si Johnson “Jun” Endil matapos na barilin ito sa bahagi ng Barangay Inug-ug, Pikit Cotabato kahapon ng umaga, Biyernes.
Ayon kay Tugunan OIC Mayor Abdullah Abas, habang abala umano si Endil sa pagcacarwash ng sasakyan nito, bigla na lamang itong nilapitan ng dalawang suspek na sakay ng Bajaj Motorcycle at sabayan itong binatil gamit ang 9mm pistola base sa narekubre ng kapulisan na pitong basyo sa pinangyarihan ng krimen.
Sa unang putok umano ng mga suspek ay tinamaan ito sa dibdib at nakatakbo pa subalit sinundan pa ito ng mga suspek at pinaputukan kung kayat ito ay natuluyan sa agarang pagkamatay.
Sinubukan pang dalhin sa pagamutan si Endil ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga tumingin na doktor. Agad naman na hinatid sa kanyang huling hantungan si Endil sa bayan nito sa Ligawasan SGA BARMM.
Patuloy naman ang pagiimbestiga sa nasabing insidente ng kapulisan habang tinitignan naman ang mga motibo na maaring dahilan sa pagkakapatay sa naturang kalihim.