Nagbunga ng pagkakasakote sa halos 6.8 na milyong piso na halaga ng iligal na droga ang isang linggong pagtugis ng Cotabato City PNP mula Agosto 19-25.

Ang naging accomplishment ay mula mismo sa masigasig na pagkilos ng CCPO sa pangunguna ni CCPO Director Col. Joel Estaris.

Maliban rito, labing-apat na indibidual ang naaresto mula sa labing tatlong magkakaiba na operasyon na ikinasa ng CCPO force sa lungsod.

Pinakamarami sa buy-bust na kung saan 11 ang nahuli, 2 sa arrest warrant at isa naman sa iligal na sugal.

Panawagan ng opisyal sa mamamayang Cotabateño, sumama na at makipagkaisa sa mabuting layunin ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.