Kinumpirma ng Comelec Datu Hoffer, Maguindanao Del Sur na kandidato sa pagkakonsehal sa nasabing lugar ang nabaril patay na si Toto Gogo Kensa na kasalukuyang kagawad ng Barangay Labu-Labu Dos.

Sa panayam kay Datu Hoffer Election Officer Hamra Asya Macapeges, naghain ng kanyang COC si Kensa sa ilalim ng Lakas CMD bilang kandidato pagkakonsehal.

Samantala naman ayon sa hepe ng Datu Hoffer MPS na si PLt. Albert Pansoy, agad silang bubuo ng Special Investigation Task Group o SITG na tututok sa imbestigasyon dahil sa bukod na ito ay kandidato, isa rin itong halal na opisyal ng barangay.

Magsasagawa na din ng masinsinang pagiimbestiga ang kapulisan para matukoy ang suspetsado at motibo sa pamamaril sa biktima.