Matagumpay na naisuko ang 43 loose firearms sa Munisipalidad ng South Upi sa pamamagitan ng 57th Infantry (Masikap) Battalion, sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Aeron T. Gumabao, at sa ilalim ng 603rd Infantry “Persuader” Brigade.
Ang pormal na turnover ay isinagawa sa harap ni Brigadier General Michael A. Santos PA, Commander ng Persuader Brigade, kasama ang Municipal Mayor ng South Upi na si Hon. Helen A. Padua at ang Peace Program Officer ng OPAPRU na si Ms. Sittie Casan.
Ang pagsusuko ng mga armas ay itinuturing na simbolo ng pagbabago at panibagong pag-asa, at patunay ng pagtutulungan ng gobyerno, lokal na lider, at komunidad para sa matatag at sustainable na kapayapaan.
Sa kasalukuyan, ang mga armas ay pansamantalang itinatago sa headquarters ng 57IB para sa maayos na custodial care, alinsunod sa umiiral na protocols.
Patuloy naman ang pangako ng 603rd Infantry “Persuader” Brigade na suportahan ang mga peace initiatives at itaguyod ang kooperasyon para sa pangmatagalang kaayusan at inklusibong pag-unlad sa South Upi at karatig na lugar.

















