Sugatan ang misis habang nasa ligtas na kalagayan ang Kapitan del barrio ng Salumay, Marilog District sa lungsod ng Davao ng tambangan ito dakong 7:50 ng umaga kahapon, Setyembre 3.

Kinilala ang mga pinalad na makaligtas na sina Barangay Chairman Lito Mansamo at ang misis nito na si Alma Mansamo. Sakay ng kanilang pick-up ang magkabiyak at binabagtas ang Davao-Bukidnon National Highway ng parahin sila ng mga naka bonnet na kalalakihan at pinagbababaril.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Davao City Police Office o DCPO sa insidente.