Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan si Barangay Captain Emmanuel Doctolero ng Barangay Presbitero, matapos na makipagbarilan sa mga armadong lalaki na nagtangka sa kanyang buhay, pasado alas-9 ng umaga kanina, Agosto 27, sa bahagi ng Barangay Balogo, Pigcawayan, Cotabato.
Base sa testimonya ng mga residente, bigla na lamang nilang narinig ang sunod-sunod na putok ng baril na tumagal ng ilang minuto. Dito na napatunayang nakasagupa ng kapitan ang grupo ng mga armadong suspek.
Matapos ang insidente, mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungong Cotabato City. Samantala, nasa ligtas nang kalagayan ang opisyal at nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon ng Pigcawayan PNP para alamin ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.