Naniniwala si Kapitan Datu Dodie Sinsuat ng Barangay Badak sa bayan ng Datu Odin Sinsuat na sya ang pangunahing titirahin ng mga nanambang Miyerkules ng umaga sa Barangay Linek ng nasabing bayan.

Nagmamaneho gamit ang Avanza na sasakyan ang kapitan pasado alas otso noong umaga ng Miyerkules ng pagsapit na nito sa Linek ay bigla silang binaril ng abot sa apat hanggang limang mga armado na nakapwesto sa dinaanan nito.

Wala namang nasawi ngunit sugatan ang CAFGU member na kasama nito at sugatan din ang dalawa pang iba na sakay ng kulay puti na Fortuner na nadamay lang sa insidente.

Lulan naman ng fortuner ang konsehal ng Datu Blah Sinsuat na si Shaidin Kuga at limang iba pa.

Damay din sa ambush ang van na sinakyan ng grupo ni Bangsamoro Board of Investments o BBOI Chairsperson Mohamad Omar Pasigan.

Sa isa nitong FB post sinabi ni Pasigan na posibleng nadamay lamang sila sa insidente.

Sinabi ng kapitan na sya ang pangunahing target ng nasabing pananambang dahil mas maraming tama ng bala ang tinamo ng kanyang sasakyan.

Aminado naman ito na may mga nakasagutan syang ibang tao ngunit di naman din ito anya rason upang barilin ito at pagtangkaan.