Sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan ng Datu Odin Sinsuat, nagpahayag si Barangay Tamontaka Chairwoman Bai Ivie Rose Sinsuat ng kanyang pagkabahala tungkol sa umano’y pondo mula sa BARMM Local Government Support Fund (LGSF) na ibinigay sa 12 piling barangay sa bayan.

Ayon kay Sinsuat, nais niyang malaman ng publiko kung para saan ang pondong ito at bakit hindi lahat ng barangay ay nakatanggap.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng panawagan ni Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa paggamit ng pondong mula sa BARMM government.

Hinihintay ngayon ng mga residente ang magiging aksyon ng lokal na pamahalaan tungkol sa usaping ito. Saan nga ba napunta ang pondo, at bakit piling barangay lang ang nabiyayaan?