Dalawa ang tigok samantalang nakaligtas at sugatan ang isa pa matapos mauwi sa pamamaril ang sagutan ng isang pulis at tatlong sibilyan sa isang tindahan sa bahago ng Barangay Osias, Kabacan Cotabato.

Sa ulat ng pulisya, alauna ng madaling araw kanina habang umiinom ang suspek sa mesa nito ay nakasagutan nito ang mga biktima sa kabilang mesa nito.

Dahil sa pagtatalo, nauwi ito pamamaril ni PCapt. Romel Guhiling na nagresulta sa pagkakamatay nina Akmad Salimula at Mama Sandigan habang sugatan naman si Norman Makakua.

Kusang sumuko sa pulisya si Guhiling at nasa kustodiya ngayon ng mga kabaro nito ang suspek maging ang kanyang ginamit na baril.