Sa mga mahihilig sa karne ng baboy baka at manok, ihanda ang sarili!
Tinatayang umabot ang presyo mula sa 40 hanggang 50 kada kilo ang bawat karne ng nabanggit sa mga pamilihan ayon sa mga manininda nito sa Cotabato City ngayong buwan ng Disyembre.
Sa manok, ang dating P140.00 magiging P200.00 hanggang P220.00 na ang kada kilo nito habang ang kilo naman ng Baka na mula sa P250.00, aabot na sa P300.00 hanggang P350.00 ang presyo nito.
Tumaas din ang presyo ng karneng baboy na mula P300.00 ay nasa P350.00 na ang kada kilo nito. Ang paliwanag ng mga manininda, liban kasi sa pabago bago o unpredictable ang panahon sa bansa ay mabilis din na nauubos ang mga ito sa kanilang pinagaangkatan.
Ayon sa kanila, nananatili naman na kumikita sila kahit na nagtaas ang kanilang presyo.
Payo nila, kung hindi nila makaya ang bigat ng presyo ng bawat nabanggit na karne sa kada kilo nito, maari nilang tunguhin o gawing alternatibo ang pagkain ng masustansyang gulay o mga dahon dahon na nabibili sa mababang halaga.