Timbog ang isang karpinterong tulak ng ipinagbabawal na droga sa pamamagitan ng isang drug buybust operation ng Presinto Quatro sa Purok Matanog, Barangay Bagua 1 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng commander ng presinto Quatro na si PLT Kenneth Encabo ang suspek na si Mohammad Sagad Padian alyas Bhe, 44, walang asawa at residente sa lugar.
Ilang beses nang nakabili ang nagpapanggap na poseur buyer ng shabu sa suspek kaya hindi na ito nagdalawang isip na hulihin ang naturang karpinterong tulak.
Nakumpiska dito ang tatlong pakete ng suspetsadong shabu, kalibre 38 na revolver, limang bala, timbangan, mga parapernalia at ang bust money na ginamit sa transaksyon.
Ayon sa mga kaanak nito, wala silang kaalam alam sa kilusan ng suspek dahil maski rin sila ay nagsususpetsa sa kakaibang galawan nito mula ng nauwi ito sa bayan ng Talitay.
Kaugnay nito, haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, paglabag sa firearm and ammunitions regulations act maging ang paghimas ng malamig na rehas sa presinto quatro.