Arestado ng mga kasapi ng CIDG-RFU BAR at ng PNP SAF kasama pa ang ibang mga kasapi ng pulisya at ng Marines sa isinagawang joint operation ang isang kilabot na suspek na nahaharap sa kasong pagpatay o murder sa bahagi ng Barangay Poblacion 8 sa bayan ng Midsayap Cotabato kahapon, araw ng Martes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Jamal na kasapi ng OPAW criminal group at tagasuporta naman ng Dawlah Islamiyah Maute Group.

Kilalang kilabot at sangkot sa ibat ibang kaso ng kriminalidad ang grupo ng OPAW.

Nahuli ang suspek ng isilbi ng kapulisan ang warrant of arrest nito dahil sa kaso nitong kinakaharap na inisyu ng RTC Branch 12 sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng kapulisan ang suspek para sa tamang disposisyon at karampatang pag-aksyon sa kaso nito.