Hinihiling ngayon ng mga mambabatas sa Kongreso na magsagawa ng fraud audit ang Commission on Audit (COA) kaugnay ng kontrobersyal na anomalya sa Local Government Support Fund (LGSF).
Kasabay ng panawagang ito, hinikayat din nila ang COA na higpitan pa ang mga regulasyon upang maiwasan ang mga iregularidad at katiwalian sa pondo ng bayan—lalong-lalo na ang mga pondong inilaan para sa mga lokal na proyekto.
Iginiit din ng mga mambabatas na dapat tiyakin ng COA na mapanagot ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sakaling mapatunayang sangkot sila sa mga iligal na transaksyon.
Ayon sa mga mambabatas, sa panahon ngayon ay mahalaga ang pagiging bukas sa pananagutan at ang pagkakaroon ng transparency upang masiguro na ang pera ng taumbayan ay ginagamit sa tamang paraan.