Inihayag ni Pangulong Donald J. Trump ng Estados Unidos na inutusan niya ang US Central Command na isagawa ang isa sa pinakamalakas na bombing raids sa kasaysayan ng Middle East, na tumarget sa lahat ng military installations sa Kharg Island sa Iran, na tinaguriang “crown jewel” ng bansa.

Ayon kay Trump, pinili ng Estados Unidos na huwag sirain ang oil infrastructure sa isla bilang pagpapakita ng “decency,” ngunit nagbabala ang Pangulo na kung haharangin ng Iran o iba pang partido ang malayang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz, maaari niyang muling isaalang-alang ang desisyong ito.

Ang Kharg Island ay kilala bilang key terminal ng halos 90% ng langis na ineexport ng Iran, at isang mahalagang lokasyon sa Persian Gulf sa usaping enerhiya at pandaigdigang merkado.

Ang pag‑atake ay bahagi ng patuloy na tensiyon sa rehiyon, na nagdulot ng escalations sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.