Pormal nang inilunsad ngayong umaga, Agosto 14, 2025, ang pagpapatupad ng COMELEC gun ban at pagsasagawa ng COMELEC checkpoint bilang paghahanda sa Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) 2025.

Ganap na alas-7:30 ng umaga, pinangunahan ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), kasama sina PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director ng Cotabato City Police Office (CCPO); PCOL Michael John C. Mangahis, Regional Operations Division Chief ng PRO-BAR; Atty. Mohammad Nabil Mutia, Cotabato City Election Officer; at LTCOL Romulo G. Dimayuga II PN (M), Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team-6 (MBLT-6).

Idinaos ang seremonya sa Sinsuat Avenue, kanto ng Bubong Road, Mother Barangay Tamontaka, na dinaluhan din ng iba’t ibang kinatawan mula sa lokal na media.

Layon ng naturang aktibidad na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan, at maiwasan ang anumang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan sa panahon ng election period.