Natupad na pangako at mas pinaaga. Yan ang pagbibida ni Kidapawan City Mayor Atty. Pao Evangelista matapos na maging ganap na 1st Class Component City na ang lungsod ng Kidapawan na 2nd rank higher mula sa dati nitong 3rd class level batay sa bagong income reclassification ng DOF o Department of Finance.
Aniya, isa itong pagtupad sa naipangako ng alkalde na pagsisikapan nito na maging First Class Component City ang Kidapawan sa susunod na taong 2025 na siya namang natupad nito.
Ayon kay Mayor Pao Evangelista, ang nasabing reklasipikasyon ay nangangahulugan ng mas maraming mamumuhunan, mas maraming trabaho at mas maraming oportunidad na pangekonomiya para sa minamahal na lungsod.
Ang mga may klasipikasyon na First Class Cities ay ang mga siyudad na may kita o income na hindi bababa sa 1.3 bilyong piso sa loob ng tatlong taon na 2022-2024.
Naging billionaire city na rin ang Kidapawan City simula pa noong 2020. Karangalan umano ito para sa mga Kidapaweño at maituturing din ito na isang maaga na pamasko para sa buong siyudad at sa mga mamamayan nito.