Labis na nabalot ng kalungkutan ang buong riding and motorcycle community sa lungsod matapos na matagpuan ng mga kasamahan nito na patay na ang tanyag na motor enthusiast na si Boyet Lu kahapon araw ng linggo.
Natagpuan ng mga kasamahan nito ang malamig na bangkay ni Boyet sa bulubundukin o trail area ng Sitio Dunggos sa barangay Awang, bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte. Sa inisyal na pagsisiyasat, binabaybay umano ni Lu ang nasabing trail ng bigla na lamang itong pagbabarilin. Bala ng M16 rifle na tumama sa ulo nito ang tumapos sa buhay ni Lu.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng kapulisan ang insidente upang matukoy na rin ang suspetsado at ang motibo nito sa pamamaslang. Abot abot naman na pagdadalamhati at pagluluksa sa mga oras na ito ng mga kamaganak at mga kakilala ng biktima na si Lu.