Pumanaw na ang kilalang salon chain owner sa bansa na si David Charlton sa edad na 69.

Si Charlton ang isa sa mga kinikilala sa larangan ng hairstyling industry at tinaguriang father of the modern salon industry. Si Charlton din ang nasa likod ng Davids Salon na may 200 na sangay sa buong pilipinas.

Ipinagluluksa ng mga nakatrabaho, kaibigan maging ng mga empleyado ang pagpanaw ng naturang salon chain owner.