Patay ang isang internet installer matapos itong makuryente sa inakyat na poste sa Barangay Poblacion sa bayan ng Arakan kahapon.

Kinilala ng pulisya ng Arakan ang biktima na si Junior Bangkas, 30 anyos na residente ng bayan ng President Roxas.

Nabatid na walang suot na safety equipment ang naturang installer maliban sa gloves ng mangyari ang aksidente. Dead on arrival ito ng ito ay itakbo sa pinakamalapit na health center.

Nanawagan naman ngayon ang Arakan PNP sa mga installers maging sa mga installation services na pangalagaan at pagingatin ang kanilang mga line man at pasiguruhin na may safety equipment ito na suot sa pagtugon sa tawag ng tungkulin.