Sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw, Oktubre 10, 2025, matapos maramdaman nang malakas sa lungsod ang 7.6 magnitude na lindol na may sentro sa Davao Oriental.


Ayon kay Cotabato City Mayor Bruce Dela Cruz Matabalao, ang naturang hakbang ay bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan, lalo na’t posibleng magkaroon pa ng mga aftershock.


Hinimok din ng lokal na pamahalaan ang mga residente na manatiling mahinahon, maging alerto, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa City Government at mga kaukulang ahensya.