Itinalaga bilang Provincial Chairsperson ng partidong LAKAS CMD para sa lalawigan ng Maguindanao Norte at Cotabato City si Congresswoman Bai Dimple Mastura.

Ginawa ni Lakas CMD President at House Speaker Martin Romualdez sa ginanap na kumbensyon ng partido sa Maynila.

Kaugnay din nito, prinoklama na din ng partido ang kongresista bilang pambato nito sa pagkakongresista ng lalawigan at lungsod.

Pinasalamatan naman ni Congw. Mastura ang liderato ng LAKAS CMD sa pagkakatalaga at pagtitiwala sa kanya bilang tagatimon ng partido sa lalawigan at sa kanyang distrito.