Namigay ng ayuda na pinansyal ang kongresista ng Maguindanao Norte with City of Cotabato Bai Dimple Mastura ngayong araw sa bayan ng Matanog, Maguindanao Norte.
Ang mga nabahaginan ng tulong ay isang libo mahigit na residenteng apektado ng naging pagbaha.
Naging katuwang ng kongresista ang mga kawani ng DSWD 12 sa naging pamimigay ng ayudang pinansyal sa 44 na totally damaged na nakatanggap ng 10,000 kada isa, 65 naman na partially damaged housss na nakatanggap ng 5,000 kada isa at 1,343 na magsasakang naapektuhan ang mga pananim ay nakatanggap ng 3,000 kada isa.
Sa panayam kay Mayor Zohria Bansil-Guro ng bayan ng Matanog, pinasalamatan nito si Congresswoman Mastura dahil sa lagi nitong tinutupad ang mga pangako nito para sa mamamayan ng kanyang distrito.
Aniya, malaking tulong naging pinansyal na ayuda para makabangong muli ang mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng nasabing pagbaha.
Samantala, binigyang diin ng mambabatas na mahalaga sa kanya ang pagtupad sa tungkulin at pangako ng pagtulong kaya sya bumalik sa bayan ng Matanog upang tuparin ito.
Matatandaang una nang nagbigay ng paunang tulong sa pamamagitan ng DSWD ang kongresista sa kasagsagan ng pagbaha sa bayan ng Matanog.
Pinasalamatan naman sa huli ni Cong. Mastura ang pamahalaang nasyonal, ang kongreso maging ang DSWD national ar Regional sa mabilis nitong tugon sa pagbibigay tulong sa mga mamamayan ng Matanog.