Sana all!

Yan ang reaksyon ng mga karatig bayan ng Lungsod ng Koronadal sa pagkakadeklara ng palasyo ng Malacanang ng Special Non Working Day sa Oktubre 8, 2024 araw ng Martes.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-24th Charter Anniversary sa lungsod.

Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naturang proklamasyon.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makasali sa iba’t ibang aktibidades na inilatag ng City Government para sa naturang okasyon.