Relieved o inalis sa pwesto ang isang koronel ng pulisya sa Police Regional Office 12 o PRO SOCCSKSARGEN sa lungsod ng Heneral Santos dahil sa mga reklamo ng kamanyakan nito sa kanyang mga kasamahan na babaeng pulis.

Sa ulat ng Kampo Crame at ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, ang koronel na di na pinangalanan ay nasa Personnel Holding and Accounting Unit na habang ginagawa ang masinsinang imbestigasyon tungkol dito.

Ayon pa sa tagapagsalita, sinimulan na din ng Regional IAS 12 ang imbestigasyon sa kaso upang mawala ang alinlangan o pagdududa na magkakaroon ito ng whitewash.

Nakatakda naman na tumungo upang gumawa ng parallel investigation sa kaso at kausapin ang biktima na nagrereklamo ang isang imbestigador ng kampo Crame.

Ayon kay Fajardo, may kasaysayan o tala na din ang nasabing koronel na naireklamo din ng kamanyakan ng kanyang mga tauhan na babae noong naassign pa ito sa Region 11 sa lungsod ng Davao bagay na di na rin ipinagtataka ng mga nakakakilala sa koronel na, manyak pa na ito.