Sarado na ngayon ang isang KTV bar sa bayan ng Midsayap, Cotabato matapos itong lumabag sa mga panuntunan ng batas sa munisipalidad.

Ito ay niraid ng magkatuwang na opisina ng pulisya at ng opisina ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan kahapon ng madaling araw.

Samu’t saring paglabag sa batas ang idinahilan ng opisina ni Sacdalan kung kaya’t ipinasara na ito, kagaya ng maramihang paglabag sa EO 69.

Paalala naman ni Sacdalan na panatilihing tahimik ang bayan ng Midsayap upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.