Big challenge o malaking hamon sa Cotabato City Police Office o CCPO ang kakulangan o hindi sapat na bilang ng mga pulis na magbabantay sa lungsod ngayong nalalapit na halalan. Isa ito sa naibulalas ni CCPO City Director PCol. Jibin Bongcayao sa naging sesyon ng Sangguniang Panlungsod.

Naimbitahan ang hepe ng kapulisan sa siyudad upang mabigay ng mga kaukulang updates hinggil sa peace and order situation ng lungsod. Sa kabila ng nasabing kakulangan, sinabi ni Col. Bongcayao na sisikapin pa rin ng kanilang pwersa na maidaos ng maayos at mapayapa ang halalan sa lungsod katuwang ang pwersa ng Marines at mga force multipliers nito.

Isa rin aniya sa mga tinitignan na senaryo ng hepe ng siyufad ang pagatras ng mga guro na magsisilbi sa halalan gaya ng nakaraang eleksyon na nagbackout o umatras ang mga guro sa takot at pangamba sa kanilang kaligtasan.

Dahil dito, humiling si Bongcayao ng karagdagang 400 hanggang 500 na mga pulis na magiging dagdag na standby forcr at nakahandang magsilbi bilang special BEI kung sakaling me magsiatrasang guro sa halalan.

Humiling naman ang hepe sa Sangguniang Panlungsod ng dagdag na personahe para magbantay sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.