Balik sa malamig na rehas ang dating preso ng Sultan Kudarat MPS matapos na makuhanan ulit ito ng iligal na droga sa bahagi ng Prk. Malaygang, Baryo Bulalo Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang suspek na si Moamin Datuon, 29 anyos at single, at residente din ng nasabing barangay.
Ayon sa Kapitan ng lugar, nagpapatrolya ang kapulisan katuwang ang mga miyembro BPAT kung saan nakita ang suspek na may kahina-hinalang kilos dahilan upang sitahin ito ng otoridad.
Nang masita, agad na kinapkapan ang suspek at nakita rito ang dalawang maliliit na plastic sachet ng shabu at isang improbisadong glass tube toother at disposable lighter na nasa posisyon nito.
Agad namang itong nahuli at agad namang sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.