Malungkot na balita sa mga nanay ngunit masaya namang balita para sa mga napagalitang anak na nakawala o nakasira ng plastic ware na “Tupperware”.
Nagsampa kasi ng bankruptcy ang kumpanya na nasa likod ng Tupperware, ang plastic kitchenware na sumikat at nagpauso ng food storage matapos ang World War 2.
Ayon sa kumpanya na nakabase sa Orlando, Florida, naghain sila ng bankruftcy dahil naghirap sila umano na mapanatili ang core business nito at bigo sila umano na makuha ang tinatawag na Tenable Takeover Offer.
Ayon pa sa kumpanya, ang mga kunsumidor ay lumilipat na sa iba at umaayaw na rin sa direct sales.
Bukod rin ito sa lumalaking issue ng kalusugan at kalikasan sa plastic, mga internal na inefficiencies na naging balakid umano sa kumpanya na mapaghusay ang kanilang operasyon sa buong mundo.