Sa oras ng mga kalamidad at mga hindi inaasahang sakuna, napakaimportante ang komunikasyon para makakonekta at makahingi ng kagyat na tulong at responde.
Sa kagyat na pagkilos ng Department of Information and Communications Technology o DICT Maguindanao Del Norte katuwang ang Free Wifi ar GOVNet Team, ang mga naging apektado ng mga emerhensiya at sakuna ay makakakunekta agad agad dahil sa teknolohiya nitong VSAT o Very Small Aperture Terminal.
Ang VSAT ay isang hakbang at bahagi ng estratehiya na maibigay agad ang pinakamahalagang bagay na hindi dapat mawala at ito ay komunikasyon.
Ito ay pangunahing pangangailangan upang makakuha ng mga impormasyon, responde at emergency sa oras ng kalamidad.
Nagamit na sa bayan ng Matanog kamakailan ang naturang VSAT technology ng DICT dahil sa sinalanta ito ng biglaang pagbaha na nagpadapa sa kanilang komunikasyon sa labas ng kanilang bayan.
Dahil dito, nagpasalamat naman ng todo ang Lokal na Pamahalaan at mga Residente ng Matanog dahil sa ganitong uri ng teknolohiya na mabilis na makakapagpabangon sa kanila sa dusa ginagawa ng kalamidad sa kanilang komunikasyon.