Nagsimula na ang pagsasaayos ng Kutawato Cave, isa sa mga kilalang destinasyon ng turismo sa lungsod, kasunod ng matagumpay na rehabilitasyon ng Old City Hall. Personal na binisita ni Mayor Bruce Matabalao ang lugar upang masiguro ang maayos na implementasyon ng proyekto.

Kasabay nito, pinaghahandaan na rin ang mga aktibidad para sa darating na Ramadhan, habang patuloy na pinagpaplanuhan ng alkalde ang mga susunod pang selebrasyon na layong palakasin at payabungin ang turismo ng Cotabato City.

Ayon kay Mayor Matabalao, ang pagpapaganda ng turismo ay hindi lamang para makaakit ng mga bakasyunista, kundi pati na rin sa mga negosyanteng nais mag-invest sa lungsod. Aniya, ang 2026 ay taon ng muling pagpapakilala sa Cotabato bilang lungsod na patuloy na umaarangkada at umuunlad.