Naging usap usapan ang kahapong episode ng programa ni Willie Revillame na Wil To Win matapos na ianunsyo nito sa programa na ipagdasal sya ng taumbayan hinggil sa gagawin nitong desisyon.

Ayon kay Willie, mayroon na lamang siyang 24 na oras upang magdesisyon at kung hindi na sya makita ng publiko sa kanyang palatuntunan ay nakapagdesisyon na ito ng buo ang loob.

Wala namang binanggit na detalye ang Wil to Win host pero nakatakda namang matapos ang paghahain ng COC sa pagkasenador sa Martes, Oktubre 8.