Patay ang isang laborer matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ngayong hapon ng Martes, Nobyembre 18, 2025, bandang 1:45 PM sa Brgy. Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao.
Ang biktima, si Basir Nutin Pendatun, nasa hustong edad at nakatira sa Brgy. Poblacion II, Shariff Aguak, ay agad na namatay matapos tamaan sa dibdib at tiyan habang nakaupo sa isang mini-grocery na kilala bilang “payong-payong.”
Ayon sa imbestigasyon, ang mga suspek ay sakay ng motorsiklo, at ang back rider ang bumaba at walang dahilan, pinaputukan ang biktima. Tumakas ang dalawa papuntang timog sakay pa rin ng parehong motorsiklo.
Isa sa mga suspek ay nakasuot ng itim na cap, pulang hoody jacket, salamin sa mata, jeans at tsinelas, habang ang back rider ay may asul na shirt, itim na cap, salamin sa mata, itim na short at tsinelas. Parehong hindi pa nakikilala.
Sa crime scene, nakarekober ang mga pulis ng apat (4) empty shells at dalawang (2) lead bullets mula sa hindi pa matukoy na caliber ng baril, na ipapasa sa MDSPFU para sa ballistic examination.
Patuloy ang imbestigasyon at hot pursuit operation, kasama ang koordinasyon sa kalapit na MPS at kaalyadong pwersa para sa dragnet operation. Motibo ng pamamaril ay iniimbestigahan pa.

















