Patay ang isang babae na nagmamay-ari ng isang gasolinahan matapos itong barilin sa harapan mismo ng sarili nitong establisyemento sa bahagi ng Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong sabado.
Kinilala ng mga kapulisan ang biktima na si Sharra Jou Ampatuan, nasa wastong idad at kasal, may-ari ng Fajad Gasoline Station na nakatira sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Batay sa ulat, naglalakad lamang sa kanyang gasulinahan ang biktima ng lapitan ito ng dalawang suspek na di pa batid ang pagkakakilanlan na nakamotorsiklo at pinaulanan ito ng bala hanggang sa mapatay.
Sa ngayon, ini-imbestigahan pa ng mga autoridad ang posibleng motibo ng mga suspek sa pagpatay sa negosyanteng babae at pagkakakilanlan nito.