Arestado mula sa ikinasang search warrant operations ng CIDG Maguindanao PFU ang tinaguriang TOP 9 Municipal Level Wanted Person ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa bahagi ng PC Hill, Barangay RH-1, Cotabato City.

Kinilala ang most wanted na switik na si Arnold, 54 anyos at residente sa bayan ng Datu Odin Sinsuat. Si Arnold ay may kinakaharap na kasong estafa na may piyansang inirekumenda ang korte na P72,000.00.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang switik na suspek sa CIDG Maguindanao PFU para sa paghaharap nito sa korte at tamang disposisyon.