Arestado ng kapulisan sa ikinasang Law Enforcement Operations ang isang lalaki na nahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9745 o ang Anti Torture Act of 2009 sa Barangay Kanguan, Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Kinilala ang suspek na si Sadam Mamolintao, 33 at residente sa nabanggit na lugar.

Matagumpay naman na naihain ang Arrest Warrant ng Datu Piang MPS at may nirekomendang 10,000 bilang piyansa para sa kaso.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Datu Piang MPS ang suspek upang idetine at para na din sa tamang disposisyon.