Kalaboso ang isang lalaki matapos umamin na ninakaw niya ang isang nakaparadang motorsiklo sa bayan ng San Rafael, Iloilo, para lamang masundo ang kaniyang nobya sa kalapit na bayan ng Barotac Viejo.

Batay sa ulat, iniwan ng may-ari ang motorsiklo sa harap ng palengke ng San Rafael habang bumibili ng ilang kailangan. Dahil sa pagmamadali, hindi na nito inalis ang susi na nakasaksak pa sa sasakyan.

Samantala, agad na nagsumbong sa pulisya ang biktima nang mapansin ang pagkawala ng kaniyang motorsiklo. Sa isinagawang follow-up operation ng San Rafael Municipal Police Station, lumabas sa CCTV footage ang pagkakakilanlan ng suspek.

Mabilis na natunton ng mga awtoridad ang lalaki sa bayan ng Barotac Viejo, sa mismong lugar kung saan naroon ang kaniyang nobya. Sinubukan pa umano ng suspek na tumakas gamit ang ninakaw na motorsiklo, ngunit agad siyang naaresto ng mga pulis.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa San Rafael Municipal Police Station at nahaharap sa kasong kaukulang isasampa laban sa kaniya.