Nahuli ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng PNP sa Bliss, Notre Dame Village, Rosary Heights 8, Cotabato City, matapos umanong magtago ng baril sa kanyang tirahan.
Kinilala ang akusado na si Eric Ortouste, 46-anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Si Ortouste ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 10591 batay sa warrant of arrest na inisyu ng korte nitong February 03, 2025.
Base sa ulat ng Cotabato City Police Station 2, narekober sa pamamahay ng suspek ang isang Caliber 45 pistol, isang magazine at limang mga bala nito.
Maliban pa rito, kasabay na nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang pakete ng suspected shabu.
Ang suspek ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165.
Samantala, sa iba pang impormasyong nakalap , si Ortouste ay dati nang nakulong matapos na masangkot sa kasong rape sa lungsod ng Cotabato.