Naaresto ang isang lalaki matapos na masangkot sa ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, bandang 4:50 ng hapon ng Disyembre 13, 2025, pinangunahan ni PMAJ Albert P. Carillo, STACOM, ang SDET personnel ng Police Station 4-CCPO, katuwang ang CPDEU-CCPO, CIU-CCPO, 6MC, MBLT-6, Police Station 1, at PDEA-BAR, sa isinagawang operasyon laban sa ilegal na droga.

Sa naturang operasyon, nahuli ang isang lalaki na kilala sa alyas na “Magno,” 49 taong gulang, may asawa at nagtatrabaho bilang laborer, at nakatira sa Buliao 2, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Ayon sa ulat, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang posibleng mga kasabwat at mapigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa lungsod.