Arestado ng presinto uno ang isang lalaki na si alyas Tiyo matapos makumpiskahan ito ng damo o marijuana sa bahagi ng Barangau RH2 sa lungsod ngayong madaling araw.

Sa ulat ng kapulisan, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang kanilang hanay sa nasabing lugar ng makita nila si alyas Tiyo na may pinupulot na kakaibang bagay.

Dahil sa naging kahina-hinalang kilos ni Tiyo, pinahinto ito ng mga kapulisan at tinanong kung ano ang kanyang pinulot sa lupa.

Nang kapkaoan, tumambad sa kapulisan ang 2 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng PhP 13,600.00.

Nabatid na si Tiyo ay lulong din sa paggamit ng iligal na shabu.

Sa ngayon, kulong na si Tiyo sa pasilidad ng Presinto Uno at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.