Sa lamay na lang inalayan ng cake dahil di na umabot sa kanyang kaarawan ang isang lalaki na biktima ng hit and run sa National Highway ng barangay Malasila sa bayan ng Makilala, Cotabato na kinilalang si Eldy Miras, 45 taong gulang at residente sa nasabing Barangay.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na naglalakad lang si Miras ng mabangga ng pick-up truck na Toyota Hilux. Isinugod si Miras sa Amas Hospital ngunit sa tindi ng pinsala, pumanaw din ito kinalaunan.

Sa ngayon, hinahanap na ng mga autoridad ang nasabing suspek na driver ng hilux truck.