Isang lalaki ang nagtamo ng tama ng bala matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Limbo nitong Miyerkules ng hapon, Nobyembre 12, 2025.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay umano ng isang itim na Toyota Hilux na may plakang NBG 2388 ang biktimang nakilalang si Amir Jihad Onotan Usop, residente ng Nayon Shariff, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City, nang pagbabarilin ng mga suspek bandang alas-3:20 ng hapon.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital para sa agarang gamutan.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng insidente at ang posibleng motibo sa pamamaril.