Hindi na umabot ng bahay pagamutan ang isang lalaki na taga Barangay Bintan, Talitay, Maguindanao del Norte at tuluyan na itong mamatay matapos na pagbabarilin sa bahagi ng Barangay Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong araw ng Sabado, July 20.

Sa naging imbestigasyon ng mga otoridad, kinilala ang biktima ng pamamaril na si Datunot Manipbel, 24 years old, at residente ng nabanggit na lugar.

Dagdag pa sa report ng PNP, galing sa palengke sa bayan ng Datu Odin Sinsuat MDN ang biktima ng walang habas na pagbabarilin ito ng hindi pa tukoy na suspek.

Caliber 45 pistol naman ang ginamit ng mga suspetsado sa krimen kung saan nakuha ng mga otoridad ang (5) Limang basyo sa pinangyarihan ng pamamaril.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay at e-deneklarang dead-on-arrival ng attending physician.

Hustiya naman ang sigaw ng mga kamag-anak ng biktima habang nagpapatuloy naman ang malalimang imbestigasyon ng DOS PNP.