Patay sa pananaksak ang lalaki matapos umanong agawin nito ang mikropono at ang kanta ng isang pang lalaki sa isang videoke bar Pasig City.

Sa resulta ng imbistigasyon ng Pasig PNP na namatay ang nasabing biktima dahil sa matinding sugat dahil sa pananaksak.

Makikita sa CCTV footage ang isang babae na nagtangkang makialam sa mainit na komprontasyon, ngunit hindi nagpa-awat ang suspek at pinagsasaksak ang biktima bago tumakas.

Sa nagging pahayag ni Pasig Police Chief Colonel Hendrix Mangaldan, nagsimula ang pagtatalo dahil sa hidwaan tungkol sa isang kanta at lumaki nang inagaw umano ng biktima ang mikropono mula sa suspek.

Ang suspek na nakaramdam ng hiya matapos hampasin at sakalin ng biktima ay inatake siya bilang ganti.

Inaresto ang suspek sa Maynila matapos magtago sa mga awtoridad at kalaunan ay nagpahayag ng panghihinayang sa kanyang ginawa.