Nakuha ng magkasanib na pwersa ng CCPO Intelligence Unit, Cotabato Mobile Force Company, City Drug Enforcement Unit katuwang ng Police Station 3 ang isang kalibre trenta’y ocho na revolver at samut saring bala sa naging search warrant operations nito sa Purok Waya sa MB Tamontaka sa siyudad ng Cotabato.
Mabilis na nakatakas bago makarating ang mga otoridad ang pinatutungkulan ng search warrant na si alyas ‘Raprap’ ngunit itinuloy pa rin ang paghahalughog sa presensya ng kapatid nitong lalaki, mga miyembro ng midya at mga opisyales ng MB Tamontaka.
Nag-ugat ang paghahalughog sa search warrant na inisyu ng hukom ng RTC Branch 21 sa Kapatagan, Lanao Norte.
Nasa RFU-BAR na ang mga nasabing armas at bala upang masuri habang isasauli na sa nagissue na korte ang search warrant ng nabanggit na armas at bala.