WOW MALI!

Isang lasing na lalaki ang gumawa ng nakakalokang eksena sa lungsod ng Cebu matapos na mamali ng pasok ng bahay at kinasiping nito ang kanyang kapitbahay na mismong kumare nito.

Ngunit ang matindi nito, inakala naman din ng kumare nya na mister nya ang naturang suspetsado.

Bisperas ng pasko, nag-inuman ang magkakapitbahay ng unang umuwi ang babae at nagpatuloy ng inuman ang mga kalalakihan.

Nang pauwi ang suspek sa dapat ay kanyang bahay, dito na siya namali ng pasok hanggang sa nakatulog katabi ng biktima at dito na nagsimula ang kanilang makamundong gawain.

Nang mahimasmasan sa kalasingan, dito na napagtanto ng babae na di pala mister nya ang katabi nito kundi ang kanyang kumpare dahilan upang tumawag ito ng pulis at damputin ang suspek.

Abot-abot naman ang paghingi ng tawad ng suspek sa biktima na desididong kasuhan ito.

Masakit din aniya ang nangyari sa misis ng suspek at humingi rin ito ng patawad sa biktima at sa asawa nito ngunit hindi nito tinanggap ang sorry ng naturang misis.

Kasong pangagahasa at trespassing ang maaring kaharapin ni Kumpare sa ginawa nito na romansa kay Kumare.