Patay ang isang lalaki matapos na magovershoot ang motorsiklong minamaneho nito at tumilapon sa pakurbang bahagi ng kalsada na boundary ng Datu Celo sa bayan ng Magpet at Dolores sa bayan ng Antipas sa North Cotabato.
Ang biktimang sinawing palad ay kinilala na si Ben Onoc.
Pinaniniwalaang kamakalawa pa ng gabi naganap ang insidente kasabay ng rumaragasang lakas ng ulan at kahapon na ng umaga natuklasan ng mga residente ang sinapit ni Opoc.
Nakita ito na mayroong mga sugat sa katawan at nakahiga sa isang kubo na malapit sa pinangyarihan ng aksidente.
Naniniwala naman ang mga residente sa lugar na sinubukan pa ni Opoc na isalba ang kanyang buhay at nagawa pa nitong gumapang sa kubo na kanyang kinasadlakan kung saan binawian agad ito ng buhay.
Narekubre sa pinangyarihan ang motorsiklo na nagovershoot malapit sa kubo na pinuntahan ng biktima.
Agad naman na kinurdunan ng kapulisan ang kubo at dinala sa pinakamalapit na punerarya ang bangkay ng biktima.